Saturday, February 03, 2007

Update

whoo.

matagal-tagal din pala akong nawala.

Katatapos lang ng periodic exams. Maayos naman, I should say.

Ingles - As usual, no erasures allowed. Master Cecille na Master Cecille. Mabuti na lang, medyo maayos ang aking iskor. Pamatay ang vocabulary. Medyo tsamba mode lang ako roon.

Pisika - Ayos din naman. May katangahan nga lang ako. May mga konseptong wala sa aking isipan. Lalo na sa ranking task.

Matematika - Heto medyo tagilid. Zenyng-Zeny.

Filipino - Ayos lang din. Kaya lang nakatulog ako habang kinukuha ang pagsusulit. Nakakaantok nga naman kasi.

Agham Pangkompyuter - Ayos lang. Natanga na naman ako. P**t@** i**ng scanf iyan. Bitchy Crabby strikes again!

Kemistring Adbans (pauso ni Baron) - Ayos din. Mabuti't hindi ako natanga. Mahirap nga...mabuti't may mga konsepto pang nanatili sa aking murang isipan.

Matematikang may hangganan (pauso na naman ni Vahroouhn) - Ayos lang...kaya lang kulang talaga sa oras. Sinabayan pa nito ang Kemistring Adbans na isa pang kulang sa oras. Kaya nagkakulangan sa oras. "Pagkat ang oras ay may sinusundang batas." "Ang pagmamahal ko ay walang sinusundang batas." Oh gumaganon eh...walang ganon. Basta manood kayo ng Sana Maulit Muli kung saan ang oras ay may sinusundang batas. Kaya naman kawawa ang Huma.

Humanities - kahabag-habag ang sinapit pagkat naging isang talkshit test na lamang. Kasalanan niya iyan. Sumabay pa kasi sa Matematikang may hangganan at Kemistring Adbans.

Araling Panlipunan - Hahaha!Hahahaha! Hahahahaha!

TLE - Sobrang hirap nito. Pinasagutan ba naman kami ng current events? no erasures?

No erasures your ass.

Jok lang noh. Maaga nga akong nakalabas eh. Kapalaran ng Journ.

*****

Matapos ang mga markahang pagsusulit ay nagdaos naman ng Intramurals kung saan ako ang MVP. Napahanga ko ang sarili ko. Sobrang athletic ko.

sa breathing marathon.

at spectatorship.

Maraming salamat nga pala sa Intrams at medyo nakabawi ako ng tulog. Dumarating ako nang 12 or 2. Tapos I'll amuse myself with the games. Grabe. Salamat nga pala Jeff. Magtatayo na ako ng fans club mo. Ang galing mo sa volleyball.

Ang husay din at nanalo ang mga seniors a cheer and dance competition.

At ang husay ng mga sophies sa volleyball.

Kasi iyong isa diyan ang may taglay ng jinx sa EiMo (boys). Actually, magaling siya. Magaling talaga.

sa ball watching.

Sino ba iyon? Nevermind. I don't want to mention bitches here.

Hahaha. Alam na.

*****

Narelease na rin pala ang newspaper...sayang nga lang at absent ako nung araw na iyon. Namiss ko ang action na ako ang nagcause. Ang saya nga nung pagkakakwento sa akin ni Pasia eh. Sayang talaga.

But they did get me the day after. They got me laughing. Nakakatawa naman talaga eh.

"Hindi mo ba alam na nakasira sa admin ang ginawa mo?..."

Mel: "Idol ka! ang galing mo!propagandist!"

*****

Anyway, sa quad na nga pala ang prom namin. Waw! How unforgettable that will be! Naeexcite ako! I can't wait!

I look forward to people dragging their dresses in the rough quadrangle ground! I want to see people dancing with sweat dripping down their foreheads because the place isn't air-conditioned! Waw! That's really good! Akalain mong nakatipid ang mga juniors sa prom? Astig! Good for them! At nakakathrill dahil mukhang ilalagay nila ang pagkain sa styro with food stubs pa! Food stubs! Grabe! Ang saya! Parang Scicamp lang!

(kindly note the sarcastic tone)

*****

Grabe. Financial burdens plague me again. Ayaw ko namang hingi nang hingi sa magulang ko. I'm practicing semi-self-independence noh. Mabuti na lang, may income pa akong nakukuha sa tutorial services ko at sa graphic novels ko. Good na iyon.

*****
~Adieu~

Ultimus Fauchelevent

P.S. "Bati na kami ni Barney!"

No comments: