Friday, January 26, 2007

Tuliro

Ang sakit ng katawan ko.

Nagmumura na naman ang mga binti ko. Sabi nga nila sa akin, "Hoy, p***** *n* mo, pinagdusa mo kami sa Raon, sa Rob tapos hindi ka pa nadala, inikot mo pa nang inikot eskwelahan mo! Mabuti hindi Diliman iyan!".

Grabe, pasensiya na talaga kayo.

At ang sakit din ng ulo ko.

Dahil nga intrams ngayon, dumiretso muna ako sa Raon (Divisoria malamang)para bumili ng magnets namin sa Physics. Grabe. Wala akong nahanap doon. Puro magnet na malalaki at bilog ang mayroon sila.

Nagkaroon din ako ng de ja 'vu.

One time naglakad ako papunta sa Deeco/Deeko (electronics shop) tapos may nadaanan akong nagbebenta ng DVD/VCD. Aba, at kinausap ako! At alam niyo ba kung anong sinabi ng mahalay?

Mahalay:Miss, nanonood po kayo ng hentai?

At ang mahalay ay hindi na nakuntento sa pagbebenta ng mga malaswang CD, may ginagamit pa siyang TV para magbigay ng preview sa mga tao ng kung anumang content ng franchise niya. Grabe. Hindi na nahiya. Hindi lang naman mga D.O.M. at mga sexually-active ang dumadaan sa Raon, hindi ba? Sana bigla siyang kidlatan.

As much as possible ayaw ko talagang pumupunta sa mga ganoong lugar. Ewan ko. Parang nasusuffocate ako sa dami ng tao at sa availability of space. Hindi ka rin kampante sa gamit mo. Basta. Kaya siguro mabilis na akong umalis.

Nauwi rin ako sa Rob.

Pagkabili ko ng magnet, pumunta ako sa SilverWorks.

Ano bang business ko roon?

Wala noh. Tsismoso ka.

At siyempre, nakarating ako sa Masci nang mga 2:00. Ang galing. The early bird gets the worm. The goat.The chicken. The lizard. The cat. The...Pasia?!

Okay lang na hindi na ako matapos sa pamimili ng portfolio materials...

Okay lang kahit hindi bagay sa kamay ang silver bracelet...

Okay lang kahit mabali na ang mga paa ko sa kakalakad...

Okay lang mainis kapag parang calculator na ibibigay sa iyo ang total cost ng binili mo tapos sasabihin sa iyo na hindi siya marunong...

Okay lang sabihin na tanga...

Okay lang.

Kasi hindi na umaasa.

Basta wala nang makapagbabago ng aking isip...

...

...

...

sa 'yo.

Isang line iyan sa "Tuliro" ng Spongecola.

Hindi ako iyan noh.

Feeling mo.

~Adieu~

Ultimus Fauchelevent

No comments: