Monday, March 12, 2007

Ayoko sa lahat 'yung mga wala namang alam tapos nakikialam sa buhay ko. Imbes na makatulong eh mas lalo pang nakakasira. Kalkulado na ang mga gagawin ko tapos bigla na lang eepal at sisirain lahat ng plano ko. Nakakainis. Nakakagigil. Nakakagalit. Wala naman kasing alam tapos masyadong nakikialam. Ang nangyari, nagkanda-leche-leche na ang lahat.

Ang problema, kahit kailan ay hindi ko sasabihin sa lahat ng nilagay ko rito dahil siguradong mas lalong magkakanda-leche-leche. Maayos na eh. Masosolusyonan ko na ang mga problema kaso biglang eepal kala mo kung sinong magaling at sisirain ang lahat. Nakakagigil talaga. Natotodo-highblood na ako.

Ayoko nang ganito ako. Wala akong tiwala sa sarili ko kapag nagagalit ako. Ayokong nagkakamali sa kung saan ko ibabaling ang galit ko. Alam kong wala akong pakundangan kapag naisip ko nang ibuhos ang galit ko sa isang tao/bagay kaya ayokong kinakausap ako ng mga tao kapag ganito ang sitwasyon.

Naiiyak ako sa galit.

Mas lalong lumala ang problema dahil sa panghihimasok nila.

No comments: