Sunday, December 31, 2006

Go to hell, 2006

Action-packed ang mga huling araw ng 2006. Medyo marami akong maibabahagi. Ang galing...ang husay ko na mag-Tagalog.
~~~~~~~~~
Pumunta kami kahapon sa Project 8. Nagkaroon kasi ng pagtitipon ang aming angkan sa father's side. Nagmistulang studio ng ABS ang bahay doon. Ang daming artista.

Well...

Hindi kami ganoon ka-close hindi katulad ng mga pinsan ko sa madir's side (Malamang. Ewan ko na lang kung hindi kayo maging close eh nasa iisang bahay na nga lang kayo.). Nevertheless, nag-enjoy pa rin naman ako.

Ang dami ngang games eh. Nagkaroon nga sila ng "Winner Takes All~Bato-Bato-Pik Version" kung saan ang bawat kalahok ay bibigyan ng initial fund na 50 pesos. Basta. Alam niyo na 'yung mechanics. Grabe. Ang galing ko nga mag-bato-bato-pik eh. Nabilib nga ako sa sarili ko. Ang husay ko talaga. Siyempre, normal lang na walang makakatalo sa akin kundi isang master sa bato-bato-pik. Nagkataon lang na ang nakalaban ko ay isang master sa bato-bato-pik. At nagkataon din na siya ang una kong kalaban.

At nagkataon din na 6 years old lang siya.

Nagkaroon din ng bonding effect. Ang dami ko ngang nai-share eh. Grabe. Halos dinodominate ko na nga ang usapan. Tignan mo:

"Na-meet ko 'yung boyfriend ko sa Fair. 3 years ang tanda niya sa akin."
"MU kami pero committed na siya..."
"Naguguluhan nga ako kung sino kay Claire at Diana eh."
"Masayang-masaya na ako sa relationship namin."
"Hoy Pau, ikaw naman magsalita. Wala ka man lang bang lovelife?"

Ganda: "Uh?"

"May boyfriend ka ba?"

Ganda: "Uh?"

"Crush?"

Ganda: "Nagugutom ako."

~~~~~~~~

Nagbantay ako sa computer shop ng pinsan ko doon. Ako kasi ang dakilang tagabantay ng computer shop. Oi ang kapal ng mukha mo...hindi 'yun tactic para tumakas sa bonding churbah ah...Hainacu.Pramis.

~~~~~~~~

"Kamusta naman 'yung sinabi sa akin na boyfriend mong model?"

Oh.

Ganda: "Gusto mo ng blueberry cheese cake?"

~~~~~~~~

Kung iniisip mo na gumawa ako ng mga obvious at walang kwentang mga attempt upang umiwas sa mga mapanghi (punchline:mapanghimasok), puwes ikaw ay nagkakamali na naman. Sadyang...uhm...ang environment at factors sa paligid ay walang capacity na mag-allow ng isang mainam na conversation at information-sharing. Malaki rin ang chances na magdulot ito ng destructive interference kaya walang maaring magresult na communication. Maniwala kayo sa akin. Pramis.

~~~~~~~~

Napag-alaman ko rin na malaki ang probability na maging "boy" in the future ang mga babae sa father's side ko. Tatlo na nga sa mga pinsan kong babae ang tuluyan nang naging lalaki. Ang gwapo nga nila eh. Ibig sabihin, may genes kami ng kabaklaan. Well, bakla rin naman ako eh. Si Placido ay umiibig sa isang babae rin. Hindi ba? Ewan. Hindi ko sure ang mga facts na iyan.

~~~~~~~~

"Oh, bakit hindi ka uuwi ngayon sa Tondo?"
"Ha? Sa Pasay ako ngayon."
"Bakit? Hindi ka uuwi ngayon sa girlfriend mo?"
"(Mahinang tawa)Ano ba? Hindi na kami ni *Minnie."

And he said that as casual as "kamusta na?".

Parang wala lang.

Naisip ko, matagal na rin 'yung pinsan kong 'yun at si *Minnie. Paanong nagkaganoon at parang...parang wala lang sa kanya na wala na...basta.

~~~~~~~~

"Suko na ako sa 'yo."

~~~~~~~~

Humihingi siya ng chance na ibalik ang lahat.

Si Kikyo.

Wala na akong galit na nararamdaman para sa kanya. Wala nang kahit ano. Nothing.

Manliligaw daw ulit.

Paano kung nanliligaw na ang nililigawan mo?
~~~~~~~~

Fanfic mode

"Go home now. You're drunk as hell. Go now."

Still he continued dancing - tippler dance.

"Go home now,Matthew. You're making a fool out of yourself, for goodness' sake- Go -"
"Leave me alone. I don't want to go home."
"Look at yourself! You've had enough-"
"Why?! Do you even care?"

There was a pause amidst the chorus of the crowd "Sayaw, Matthew! Sayaw, Matthew!" and giggles and screams from where you can't determine whether they're girls or gays.

She grabbed him by the scruff of his shirt.

"You're going home now."

He wiggled free and shot her a dagger look.

"Stop it! Get the hell out of here! You don't care anymore. Leave me alone."
"You're going home."
"No. You're not answering my question. Do you even care about me or not?! Do you still care?", he exclaimed loud enough for everyone to hear.

Almost as automatic as a voice prompt, several eathlings who don't have the least trademark of God's handicraft stained this world with the brazen ugliness of their existence by singing in unison.

"Sana maulit muli..."

All right, he pressed a nerve.

"Fine. Go and get raped by those gays there."

~~~~~~~~

"Wewewewewng..."(alarm ng kotse)

"Oh anong nangyari?"
"May naglagay ng whistlebomb sa ilalim ng kotse."

Ganda: "Oh? Sino naman kaya 'yung sira-ulong 'yun?"

Oh ano na naman? Iniisip mo bang ako 'yung naglagay ng whistlebomb. Ang sama mo talaga.


Well, tama ka. Ako nga.

~~~~~~~~

Ang sarap talaga ng graham cake na ito. At mahaba na rin itong entry na ito. Kaya tinatapos ko na. Happy New Year!

~Adieu~

Placido Mallari Penitente

No comments: