Friday, January 05, 2007

~A Note of Longing~

Magtatagalog ulit ako sa post na ito. Kung bakit ay hindi ko alam kaya't marapat lamang na huwag na kayong umangal.

Sadyang napakaganda ng status ng health ko. Napakaginhawa ng pakiramdam ko...nararamdaman ko ang malagkit at makating plema sa lalamunan ko na kahit anong intensity ng pag-ubo ay hindi matanggal.Napakakomportable ng pakiramdam ko.

Salamat sa computer na nagcrash down, bukas na naman kami magtitipon-tipon. Sa kasawiang-palad, hindi ako maaaring hindi na lamang dumalo. Isa pa, maglulunch kaming sabay nila cielo at laarni.

"MA-HAL-KI-TA-NI-COLE!TSUP TSUP!"

Ang lakas ng trip niyo.

"You were just a dream that I once knew...never thought I would be right for you..."

Ang lakas ng trip niyo.

Matapos ang nakakalokong trip ay kumain na kami sa Mcdo. Libre ni Pasia lahat ng float!weee!

Tissue ka diyan kay Laarni. Hindi kailangan ng tissue ni Laarni noh...

Boxing gloves kailangan niya.

Matapos ang aming sharing (imagine mo kung katabi mo si Allister at Dane Marc),nagsiuwian na rin kami. Pero dahil may topak kami ni Cielo, nakuha pa naming pumunta sa Rob. Bibili kasi siya ng regalo para sa pinsan niya.

Pagkatapos niyang mamili ay ako naman ang tumingin ng kung anong perpektong regalo. May nakita naman ako...ngunit babalikan ko iyon some point in the future.

May nakita nga pala kami sa Rob...itago natin siya sa pangalang "SP". Kung ano man ang ibig sabihin ng SP at kung bakit SP ay itanong niyo na lamang sa akin. No bad words...

Pagkatapos ay kasama ko siyang nilakad ang kahabaan ng Taft Avenue.

Mabuti na lang ay may kasama ako hindi katulad kagabi.

Pipiliin ko ang mga batok at tadyak ni Cielo keysa sa pag-iisa ko habang pauwi.

At napakadrama nito.

Nnag kami'y maghiwalay sa sakayan niya, naramdaman kong ayaw ko pang umuwi. Kaya't nilakad ko muli ang Taft.

7-11.

Ano ba ang mayroon sa 7-11 at lagi ko itong binabalikan?

Umupo ako at bumili ng isang siopao.

Ako lang ang nakaupo sa table na iyon...

Bakante ang isang upuan...

Nilunod na naman sa pag-iisa,panghihinayang at pagkalungkot...

Masarap ang siopao...katulad ng hotdog na kinain ko...

Ngunit kahit ilan sigurong sobrang sasarap na siopao ay itatapon ko makasama lang kita sa sandaling iyon.

Ang corny naman nun.

At ang drama.

Sa totoo lamang, kahit anong gawin ko'y ako pa rin ang nangangailangan sa iyo. Sinasabi na rin sa akin ng siopao na kinain ko na ako na ang mauna't tapusin ang kahibangang ito. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko ginawa...nagkakagulo na sa isip ko. Nasasanay na kaya akong hindi ka pansinin? Nasasanay na kaya ako sa pamamanglaw na ito?

Gusto na kitang yapusin at damhin ang payat na payat mong katawan at amuyin ang pabango mong dinedeny mo pang ginagamit mo.

Nais ko na itong tapusin.

At kung ako ba ang nagsasalita sa post na ito ay hindi ko alam.

~Adieu~
Placido Mallari Penitente

No comments: