Thursday, January 18, 2007

Ang Pag-iyak ni Kimiko

Sa pagkita ko kay Kimiko na umiyak kanina,bumigat ang loob ko. Parang may caption si Kimko na "Ito ang hitsura ng taong nasaktan". Nasaktan. Saan? Malakas naman pick-up niyo.

Habang tinitignan ko siyang halos humahagulgol na at humihinga nang malalim dahil di makahinga, nanghina rin ako. Una sa lahat, isa siyang super friend at pangalawa, she reminds me of a stupid fungus who stumbled upon a blog she shouldn't have seen 3 months ago.

Because when it hurts so much, you just can't find a way to let it all out. When you cry, you cry so hard you can't breathe.

Pag-uwi ko sa bahay, pagka-upo ko sa tapat ng computer, bigla akong umiyak. Hindi ko alam. Umiyak ako dahil ang daming kaibigan ko ang napakamiserable ngayong araw na ito. Umiyak ako dahil niyakap ako ni Laarni at sinabing huwag na lang ako umasa sa kanya dahil...(complete the statement). It's just different whenever I see her face so serious (alam niyo kasi, 101% ang paniniwala kong lahat ng serious face ni Laarni ay may kasunod na kabarberohan) because she's concerned - and the pity and vexation she feels for me tears me up like hell. Even though matagal ko nang alam ang mga sinabi niya, wala lang.

Parang scab na naman na kinutkot.

It just brought me back to the point lying on the plane of reality (matutuwa si Ma'am Diaz – may geometry.Haha.)

"Hoy, gumising ka. Umaasa ka na naman - iba naman ang gusto niya."

Nang may kinuwento sa akin...

Tumawa na lang ako.

Tawa na lang.

Wish ko nga lang may beer akong baon eh.

Para pagtawa ko, sasabayan ko ng inom ng beer.

All this time I act so brave but I'm shaking inside.

When people keep telling me,

"Marami kang choice. Huwag na lang siya. Tignan mo nga sarili mo, pinapahirapan mo."

Alam ko.

Matagal na.

Mapipigilan ko ba iyon?

Kung kaya nga lang sana.

All this time I act so brave but I'm shaking inside.

~Adieu~

Ultimus Fauchelevent

No comments: