Saturday, December 30, 2006

Introduksyon

Bagong blog.

Naipanganak na kasi ang apo mo sa tuhod eh hindi mo pa rin naviview ang mga posts ko. Ang bilis ng Tripod noh? Grabe, kahit pagsama-samahin pa ang Blogger,Blogdrive,Wordpress o Xanga, Tripod pa din ako.Ang bilis kasi eh.

Sa mga nagtatanong, ang image sa itaas ay aking nilikha ngunit ang ibang graphics nito ay hindi originally sa akin kundi sa isang nagngangalang Miss Ice Angel. Iyong lay-out, inedit ko naman ang blogskin na nilikha ni ambivalente 11. Masasabi ko ngang recycled itong blogskin ko pero temporary pa naman ito. Hinihintay ko pa kasi ang pinagawa kong blogskin kay Mr. Christian Sta. Ana. Bumilib kasi ako sa kanyang bloggie .

Pabago-bago na nga pala ako ng blog. Nakapagtry na ako sa Blogdrive, sa Tripod, sa Xanga....subalit wala talagang nakahuli ng aking panlasa. Mahirap mag-edit sa Blogdrive. Ayoko sa Blogger sapagkat halos buong populasyon ng Masci ay gumagamit nito. Ayoko sa Xanga dahil masyadong plain. Ayoko sa Blogger sapagkat halos buong populasyon ng Masci ay gumagamit nito. Ayoko sa WordPress sapagkat limited ang editing features. Ayoko sa Blogger sapagkat halos buong populasyon ng Masci ay gumagamit nito. Ayoko sa Tabulas sapagkat mahirap mag-promote. Ayoko sa Blogger sapagkat halos buong populasyon ng Masci ay gumagamit nito. Ayoko na sa Tripod (ay mali...gusto ko pala.)dahil sobrang bilis magload ng blog nila. Ayoko sa Blogger sapagkat halos buong populasyon ng Masci ay gumagamit nito. Ayoko sa Bravenet sapagkat marami pang chenes bago ka makapagsimula at medyo isang dekadang mas mabilis keysa Tripod. Ayoko sa Blogger sapagkat halos buong populasyon ng Masci ay gumagamit nito.


Welcome to Blogger, Placido Penitente.


Pero sa totoo lang, ayoko talagang lisanin ang luma kong blog sa Tripod. Una sa lahat, mabilis siya. Ano na naman? Bakit ba hindi mo siniseryoso iyong sinabi ko? Ang sama mo. Uhm!(sampal).Ikalawa, dahil madali siyang maaccess.

Hainacu.

Pero ang totoo talaga niyan, ayaw kong lisanin ang Tripod sapagkat ang dami ko nang hinanakit at emosyon na nailabas sa nasabing blog.

Hindi ko pa naman siya binubura. Malaya ka pa ring puntahan siya. Maari po lamang na tumungo kayo sa pahina ng links. Mabilis siya. Pramis. Parang si Ginang Mallari lang.

Kung sinisipag ako, itatransfer ko ang mga previous posts ko sa Tripod dito. Mabilis lang iyan. Madalas naman akong sinisipag eh. Pramis. Parang pagpasa lang iyan ng portfolio. Dapat laging on-time. Hoy ang kapal ng mukha mo! On-time ako magpasa ah....si Ginang de Leon kahit hindi niya sinasabi sa amin ay alam kong lihim na ineextend ang pasahan ng portfolio. Maniwala kayo sa akin.

Sige.

Medyo nasapian ata ako ngayon.

Alam niyo, gusto ko ulit maligo. Ang init kasi.

Paalam. Balikan kita mamaya.

~Adieu~

Placido Mallari Penitente

No comments: